Real Property Tax Guide For Lancaster Homeowners
REAL PROPERTY TAX GUIDE FOR LANCASTER HOMEOWNERS
What Homeowners Need to Know
Mga Paalala Hinggil sa Pagbabayad ng Real Property Tax
1. Ano ang Real Property Tax o Amilyar?
Ang Real Property Tax (RPT) o Amilyar ay isang uri ng buwis na ipinapataw ng lokal na pamahalaan sa mga ari-arian na dapat bayaran ng mga nagmamay-ari nito. Ang mga ari-arian na maaaring patawan ng buwis ay kinabibilangan ng lupa, gusali, pagpapaunlad (improvement) sa lupa o sa gusali, at makinarya.
2. Sino ang dapat magbayad ng Real Property Tax?
(1) Para sa mga fully paid property, ang nagmamay-ari o ang tao na ang pangalan ay nakasaad sa mga titulo at certificate of ownership ang nararapat magbayad ng Real Property Tax.
(2) Para sa hinuhulugang bahay (in-house or bank financing), makipag-ugnayan sa PRO-FRIENDS office. Maaaring mag email sa
customerservice@profriends.com o tumawag sa
8727-7000
3. Magkano ang babayaran kong Real Property Tax?
Natutukoy ang RPT batay sa assessed value ng ari-arian. Ang assessment ay maaring maiba sa bawat ari-arian batay sa lugar, sa sukat at iba pa.
Magtungo sa City o Municipal Treasurer’s Office para malaman ang kabuuang halaga ng inyong RPT.
Para sa hinuhulugang bahay (in-house or bank financing), makipag-ugnayan sa PRO-FRIENDS office. Maaaring mag email sa customerservice@profriends.com o tumawag sa 8727-7000
4. Gaano kadalas binabayaran ang Real Property Tax? Kailan ang deadline nito?
Maaring magbayad ng RPT nang buo o ng quarterly installment.
Kung babayaran ito nang buo, ang deadline ay bago mag-Enero 31 ng bawat taon.
Para sa magbabayad ng quarterly, ang deadline ay ang mga sumusunod:
First quarter: On or before March 31
Second quarter: On or before June 30
Third quarter: On or before September 30
Fourth quarter: On or before December 31
5. Saan ako magbabayad ng Real Property Tax?
Maaring magbayad ng Real Property Tax sa Land Tax Division ng Treasurer’s Office ng inyong Lokal na Pamahalaan. Para sa hihulugang bahay (in-house or bank financing),
6. Ano ang kailangang dalhin kung magbabayd ng RPT?
Kung magbabayad ng Real Property Tax, dalhin ang mga sumusunod:
(1) Resibo ng huling pagbabayad ng RPT
(2) Property title at tax declaration number
7. Ano ang mangyayari kung hindi ko babayaran ang RPT sa itinakdang panahon?
May penalty (multa) na ipinapataw kapag lumagpas sa takdang araw ang pagbabayad ng RPT. May multa na 2% sa halagang hindi nabayaran kada buwan. Maari itong umabot sa 72% kung hindi mababayaran sa loob ng 36 buwan o 3 taon.
Matapos ang 36 buwan o 3 taon na hindi pagbabayad, maaari ng ma-foreclose at i-auction ang “tax-delinquent property” ayon sa kapasyahan ng lokal na pamahalaan.
makipag-ugnayan sa PRO-FRIENDS office. Maaaring mag email sa customerservice@profriends.com o tumawag sa 8727-7000
Lancaster New City
https://www.lancasternewcityph.com/
To God be all the glory